Anak Ng... Kuwan

Nung isilang ka sa mundong ito
Laking asar na magulang mo
At ang kamay nila'y kinagat mo
At ang lolo at lola mo'y

Di malaman ang gagawin
Minamasdan pangit nilang apo
Sa gabi napupuyat ang iyong nanay
Pagkat makulit ang tatay mo

Sa umaga nama'y kalung ka
Ng iyong amang basang-basa sayo
Ngayon ngang malaki kana
Malaki na rin ang utang mo
Manang mana ka sa tatay mo

Ikaw nga'y biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo
Kaya tinawag kang totoy bato
Di mo alam na si totoy bato'y
Tinodas na't binoga ni boy pana

Di mo alam na si totoy bato'y
Tinodas na't pinana ni ben boga

Nagdaan pa ang mga araw
Tumubo ng bungang araw
Ikaw ay nagkamot kay masamang bisyo
At ang unang mong
Nilapitan ang iyong inang
Nagsasangla at ang tanong anak meron
Ba tayo diyan

Dyan natatapos ang awiting anak
Na aming pinagbidahan
At dyan na rin natatapos
Ang pag-awit naming tatlong anak ng buwan



Credits
Writer(s): De Leon Joey, Aguilar Freddie
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link