Tag-Ulan

Minsan ika'y nag-iisa walang makasama
Di malaman sa'n tutungo
Naghahanap, nag-iisip kung sa'n babaling
Dito sa mundong mapaglaro

At tuwing nalulumbay, di makakita
Nais mo ay may makasama
Sa yong lungkot, akala mo ika'y nag-iisa
Narito ako't kapiling ka
Kung nais mo ika'y lumuha
Ako'y makikinig sa bawat salita

Kapag umuulan, bumubuhos ang langit
Sa 'yong mga mata
Kapag mayrong unos ay aagos ang luha
Ngunit di ka mag-iisa
Kaibigan

Kayrami ng mga tanong sa yong isipan
Nais mo lamang ay malaman
Bakit nagkaganon ang nangyari sa 'yong buhay
Tanong mo man sa 'ki'y di ko alam
Handa akong maging tanggulan
Sa tuwing sasapit sa 'yong ang tag-ulan, oh
Repeat except last time
Ako'y naririto, naghihintay lamang sa 'yo
Tumawag ka't ako ay tatakbo sa piling mo
Kaibigan, kaibigan
Kaibigan, ooh yeah



Credits
Writer(s): Wency Cornejo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link