Maalaala Mo Kaya

Maalala mo kaya
Ang sumpa mo sa akin
Na ang pag-ibig mo
Ay sadyang 'di magmamaliw?

Kung nais mong matanto
Buksan ang aking puso
At tanging larawan mo
Ang doo'y nakatago

'Di ka kaya magbago
Sa iyong pagmamahal?
Ako'y hindi, giliw ko
Hanggang sa libingan

Oh, kay sarap mabuhay
Lalo na't may lambingan
Ligaya sa puso ko
Ay 'di na mapaparam

Oh, kay sarap mabuhay
Lalo na't may lambingan
Ligaya sa puso ko
Ay 'di na mapaparam



Credits
Writer(s): Constancio De Guzman
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link