Bukod Tangi

Kay dami ng babae na aking nakilala
Dito sa puso ko ay tunay kang naiiba
Lagi kang naalala, sa panaginip ay kasama
Alam mo na bang minamahal kita?

Para sa akin ay bukod tangi ka
Sadyang naiiba ang 'yong ganda
Ang iyong mga ngiti sa aki'y langit na
Kapag kapiling ka'y anong saya
'Wag mong sabihing may mahal ka na
'Pagkat ito ay 'di makakaya
Ikamamatay ko 'pag nakuha ka ng iba

Kay hirap na pigilan ang puso at damdamin
Ang malayo sa 'yo, pagdurusa para sa akin
Lagi kang naalala, sa panaginip ay kasama
Alam mo na bang minamahal kita?

Para sa akin ay bukod tangi ka
Sadyang naiiba ang 'yong ganda
Ang iyong mga ngiti sa aki'y langit na
Kapag kapiling ka'y anong saya
'Wag mong sabihing may mahal ka na
'Pagkat ito ay 'di makakaya
Ikamamatay ko 'pag nakuha ka ng iba

Ayoko na sa 'yo'y umasa
Ngunit 'di ko naman makaya
Na hindi kita nakikita
Nakikita

Para sa akin ay bukod tangi ka
Sadyang naiiba ang 'yong ganda
Ang iyong mga ngiti sa aki'y langit na
Kapag kapiling ka'y anong saya
'Wag mong sabihing may mahal ka na
'Pagkat ito ay 'di makakaya
Ikamamatay ko 'pag nakuha ka ng iba



Credits
Writer(s): Vehnee Saturno
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link