Star Ng Pasko

Kung kailan pinakamadilim
Mga tala ay mas nagniningning
Gaano man kakapal ang ulap
Sa likod nito ay may liwanag

Ang liwanag na ito'y nasa ating lahat
May sinag ang bawat pusong bukas
Sa init ng mga yakap
Maghihilom ang lahat ng sugat

Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang Pasko
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang Pasko

Tayo ang ilaw sa madilim na daan
Magkakapit-bisig, lalong higpitan
Dumaan man sa malakas na alon
Lahat tayo'y makakaahon

Ang liwanang na ito'y nasa ating lahat
May sinag ang bawat pusong bukas
Sa init ng mga yakap
Maghihilom ang lahat ng sugat

Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang Pasko
Salamat sa liwanag mo (salamat sa liwanag mo)
Muling magkakakulay ang Pasko

Kikislap ang pag-asa kahit kanino man
(Dahil ikaw, Bro, dahil ikaw, Bro)
(Dahil ikaw Bro) ang star ng Pasko

Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo (oh)
Muling magkakakulay ang Pasko

Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw (walang iba kundi ikaw)
Salamat sa liwanag mo (whoa)
Muling magkakakulay ang Pasko

Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw



Credits
Writer(s): Robert Labayen, Amber Davis, Marcus Kim Davis Jr.
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link