Ang Buhay Ay Biyaya

Ang buhay nya'y kaloob ng Diyos
Ito'y isang biyaya sa bawat isa
Ang pag-ibig ng Diyos ay lubos
Ang buhay ay binigyan N'ya ng halaga
Kaya sa lahat ng mga ina
Pakinggan n'yo ang isang munting hiling
At pakiusap ng isang munting anghel
Hayaan n'yo po akong matutong huminga
Ang buhay ay isang biyaya, kaloob ng Diyos
Ang buhay ay hindi lamang hiram sa Diyos
Ito'y kusang ipinagkaloob nang lubos
Dapat lang pangalagaan, pakaingatan
Ang buhay ay biyaya, kaloob ng Diyos
At kahit sa mga pagkakataong
Madilim ang kahapon ng isang ina
Ang buhay ay isa pa ring biyaya
Tunay na biyaya
Ang buhay ay isang biyaya, kaloob ng Diyos
Ang buhay ay hindi lamang hiram sa Diyos
Ito'y kusang ipinagkaloob nang lubos
Dapat lang pangalagaan, pakaingatan
Ang buhay ay biyaya, kaloob ng Diyos
Ang buhay ay biyaya, kaloob ng Diyos



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link