Larawan

Dilim ng gabi, nakabalot sa paligid
Bituin sa langit, parang matang nagmamasid
Kamay ng orasan, 'di ba nahihirapan?
Masasayang nakaraan, makikita sa larawan

Mundong matahimik, nabibingi ako
Hanging malamig, pumasok sa 'king ulo
Bilog na buwan, paglakbayin ang aking isip
Sa aking pagtulog, gumaganda'ng panaginip

Naririnig mo ba ako?
Kasama ka sa aking awit
Naririnig mo ba ako?
Heto ako, ba't 'di ka lumapit?

Gising na diwa, malungkot na damdamin
Isipang magulo sa mga suliranin
Araw na nagdaan, bakit kinalimutan?
Luhang nasayang, ating iniwanan

Naririnig mo ba ako?
Kasama ka sa aking awit
Naririnig mo ba ako?
Heto ako, ba't 'di ka lumapit?

Naririnig mo ba ako?
Kasama ka sa aking awit
Naririnig mo ba ako?
Heto ako, ba't 'di ka lumapit?

(Naririnig mo ba ako?) Ah-ah-ah
(Kasama ka sa aking awit) Ah-ah
(Naririnig mo ba ako?) Lumapit ka, lumapit ka
(Heto ako) Ba't 'di ka lumapit?

(Naririnig mo ba ako?) Lumapit ka, lumapit ka
(Kasama ka sa aking awit) Ba't 'di ka lumapit?
(Naririnig mo ba ako?) Lumapit ka, lumapit ka
(Heto ako) Ba't 'di ka lumapit?



Credits
Writer(s): Manuel Palomo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link