Sayang Na Sayang

Hanggang ngayon ay alaala sa twinang
Araw nating nagdaan
Ngayo'y muli tayong nagkita
Puso ko'y anong sigla at saya

Ngunit bakit ngayon lang nagkita
Kung kailan tayong dalawa'y
Kapwa 'di na pwede pang magsama

Sayang na sayang talaga
Dating pag-ibig na alay sa iyo
Sayang na sayang talaga
Pagmamahal na 'di ko makakamtan sa iyo

Damdamin ay 'di maintindihan
Puso ko'y ikaw ang siyang sinisigaw
Ngunit sadyang 'di sa isa't isa
Bakit ba huli na ng tayo'y muling nagkita

Kung maibabalik ang kahapon
Sana'y 'di nagkawalay
Ala-alang nagdaan 'di malimutan

Sayang na sayang talaga
Dating pag-ibig na alay sa iyo
Sayang na sayang talaga
Pagmamahal na 'di ko makakamtan sa iyo

Alam kong kapwa tayong dalawa'y nakatali na
Puso'y 'di mapigilan ang sigaw
Mahal pa rin kita...

Sayang na sayang talaga
Dating pag-ibig na alay sa iyo
Sayang na sayang talaga
Pagmamahal na 'di ko makakamtan...

Sayang na sayang talaga
Dating pag-ibig na alay sa iyo
Sayang na sayang talaga
Pagmamahal na 'di ko makakamtan sa iyo



Credits
Writer(s): Wilfredo Gonzales
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link