Tayo'y Mag-Ehersisyo

Simulan ang gawain ng buong sigla
Kung kayat ang katawan ay ihanda na
Tayoy mag ehersisyo Ulo hanggang paa
Isa dalawa tatlo tayoy magumpisa

Dahan, dahan ang ulo ay iikot
Iikot dahan dahan ang ulo mong bilog
Ang balikat iikot sa iyong harap
Bumilang hanggang walo ulit-ulitin mo

Ang ating bewang iikot at hawakan
Iikot ng iikot katawan ay lulusog
Maglakad ka gamit ang iyong paa
Lumakad ng marahan
Kaliwa at kanan

Tumakbo, tumakbo tayo ay tumakbo
Tumalon, tumalon tayo ay tumalon
Tumakbo, tumakbo tayo ay tumakbo
Tumalon, tumalon tayo ay tumalon

Maglakad ka gamit ang iyong paa
Lumakad ng marahan
Kaliwa at kanan

Ang kamay sa bewang ilagay
Huminga tyo ng sabay sabay



Credits
Writer(s): Leonora P (nm) Varela
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link