Mahal Pa Rin Kita

Hindi maamin ng damdamin
Na ngayo'y wala ka na sa aking piling
Araw-araw ang dalangin
Ay mayakap kang muli at ma-angkin

Ngunit pa'no nga ba ang pag-ibig mo'y magbabalik
Batid ko na nasaktan kita nang labis
At sinabi ko sa'yo na kaya kong limutin ka
Bakit ngayo'y hinahanap kita

Ikaw pa rin ang nais ko, damang-dama ng puso ko
Mahirap na dayain ang isipa't damdamin
Ikaw pa rin ang hanap ko, mapapatawad ba ako
Muli't muling sasambitin, sinisigaw ng damdamin
Mahal pa rin kita, oh giliw ko

Ala-ala ang kasama
Mga sandaling dati anong saya
Pinipilit na limutin
Bakit 'di maamin na wala ka na

Ngunit pa'no nga ba ang pag-ibig mo'y magbabalik
Batid ko na nasaktan kita ng labis
At sinabi ko sa'yo na kaya kong limutin ka
Bakit ngayo'y hinahanap kita

Ikaw pa rin ang nais ko, damang-dama ng puso ko
Mahirap na dayain ang isipa't damdamin
Ikaw pa rin ang hanap ko, mapapatawad ba ako
Muli't muling sasambitin, sinisigaw ng damdamin
Mahal pa rin kita, oh, giliw ko

Mahal pa rin kita

Credits
Writer(s): Saturno Venancio
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link