Maalaala Mo Kaya

Maala-ala mo kaya
ang sumpa mo sa akin
na ang pag-ibig mo ay
sadyang 'di magmamaliw

Kung nais mong matanto
buksan ang ating puso
at tanging larawan mo
ang doo'y nakatago

'Di ka kaya magbago
sa 'yong pagmamahal
Hinding hindi giliw ko
hanggang sa libingan

O kay sarap mabuhay
lalo na't may lambingan
ligaya sa puso ko
ay 'di na mapaparam

O kay sarap mabuhay
lalo na't may lambingan
ligaya sa puso ko
ay 'di na mapaparam



Credits
Writer(s): Constancio De Guzman
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link