Araw at Gabi

Nasa'n ka na
Nasa'n ka na, o giliw ko
Nariyan lang ba
Malapit o malayo

At kung 'di ka makita
Ay ramdam ka pa rin
Araw't gabi
Lagi kitang kapiling

Larawan nakasabit sa may harapan
Nakaraang hinding-hindi malilimutan
Napaluha ako at napangiti din
Araw't gabi
Lagi kitang kapiling

Kahit 'di kita nakausap man lang
Nung gabi na ikaw ay lumisan
Alam na alam ko naman
Andirito ka lang

Himig natin, 'di nawawala
Sa aking pandinig
Awit na likha ng ating pag-ibig

At buong gabi inaawit ko
Hanggang ako'y maidlip
Araw't gabi
Lagi kitang kapiling

At sa isang gabi na 'di namalayan
Nawala ka bigla na walang paalam
Alam ko na nakamit mo rin ang kapayapaan

Himig natin 'di nawawala sa aking pandinig
Awit na likha ng ating pag-ibig

La la la la la la
La la la la
La la la la
La la la la...

Nasa'n ka na
Nasa'n ka na, o giliw ko
Nariyan lang ba
Malapit o malayo

At kung 'di ka makita
Ay ramdam ka pa rin
Araw't gabi
Lagi kitang kapiling

Araw't gabi
Lagi kitang kapiling
Araw't gabi
Lagi kitang kapiling
Araw't gabi
Lagi kitang kapiling...



Credits
Writer(s): Medwin Marfil
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link