Kung Ok Lang Sa Yo

'Di malaman
Kung ano ang gagawin sa damdamin
Na 'di ko maamin sa sarili
Kung bakit ka pa ba nand'yan? Hmm

Sabi-sabi ng mga kaibigan ko
Huwag mong pilitin ang hindi para sa 'yo
Nguni't bakit hindi kita makalimutan?
Sa 'yo ba'y okay lang?

Habang tumatagal, lumalala, laging nagwawala
Tumitindi, umiinit, sumasakit ang dibdib
Kaya ako'y gumawa ng awiting ito na alay ko sa 'yo
At sana'y pakinggan mo, whoa

Huwag ka sanang magugulat sa akin
'Di ako sanay sa ganitong suliranin
Huwag kang matakot, hindi ako manloloko
Kung okay lang sa 'yo

Habang tumatagal, lumalala, laging nagwawala
Tumitindi, umiinit, sumasakit ang dibdib
Kaya ako'y gumawa ng awiting ito na alay ko sa 'yo
At sana'y pakinggan mo
Kung okay lang sa 'yo

Ngayong alam mo na, sana'y 'di ka mainis
At pasens'ya na kung ako ay makulit
Pero kung gusto mo, ako na lang ang lalayo
Kung okay lang sa 'yo

Habang tumatagal, lumalala, laging nagwawala
Tumitindi, umiinit, sumasakit ang dibdib
Kaya ako'y gumawa ng awiting ito na alay ko sa 'yo
At sana'y pakinggan mo

Habang tumatagal, lumalala, laging nagwawala
Tumitindi, umiinit, sumasakit ang dibdib
Kaya ako'y gumawa ng awiting ito na alay ko sa 'yo
At sana'y pakinggan mo

Kung okay lang sa 'yo
Kung okay lang sa 'yo
Kung okay lang sa 'yo
Kung okay lang sa 'yo



Credits
Writer(s): Marfil Medwin
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link