Bilin

Kung iyong mamarapatin
Dinggin ang tanging pamana
Mga mumunting habilin
Ng isang kaibigan at ama

Habang maaga'y matutunan
Ang mamuhay nang payak
Habang marami kang kailangan
Ang bagaheng bumibigat

Ang nag-iisang dila
Dapat ay may isang salita
Totoo ang pagpapala
Galing sa totoong gawa

Kung tutuusin ay kay dalas na banggitin
Lumang mga salawikain
Kung tutuusin ay kay daling intindihin
Bakit parang kay hirap gawin?

Marami ang nahihirapan
Kakaunti ang marangya
Kaya huwag kang magpakayaman
Huwag ding magpakadukha

At mag-ingat kang parati
Sa mga taong marahas
Maging sing-amo ng kalapati
Ngunit sing-ilap ng ahas

Laging marunong umunawa
Lahat ay nagkakamali
Patawarin ang iyong kapwa
Pati na ang sarili

Kung tutuusin ay di sa akin nanggaling
Ang mga kasabihang ito
Kung tutuusin ito ay para sa akin din
Galing sa tatay ng tatay mo

Gaya rin ng panaginip
Pag-ibig ay nabibigo
Damahin mo sa iyong isip
At pag-isipan sa puso

Huwag mong masyadong seryosohin
At sisikip lang ang dibdib
'Di bawal ang masayahin
Dito sa ibabaw ng daigdig

Kung susukatin mo ang buhay
Wala sa haba o ikli
Basta't sikapin mong mabuhay
Sa lahat ng sandali



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link