Sinisintang Bayan

Dito ko nahanap
Ang hanap ko na buhay
Dito nadalumat
Ang kabuluha't saysay
Na pinatitining
At pinatitibay
Dinidilig, pinapanday
Ng pag-ibig na di mamamatay
Buhay kong kaisa-isa
Tanging kayamanan
Magmula nang makasama ka
Naging makasaysayan
Ang iyong mga anak
Laging patnubayan
Tungo sa paglaya mong ganap
O sinisintang bayan
Sa lupang sagana
Aba ang karamihan
Kung kaya kasama
Ng buong sambayanan
Sa digmang payapa
At digmang digmaan
Ilulunsad, iluluwal
Ang maunlad na bayang maydangal



Credits
Writer(s): Gary Granada
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link