Buloy

Hoy, hoy, Buloy, naalala mo pa ba
No'ng tayo'y nagsasama?
Hoy, hoy, Buloy, naalala mo pa ba
Ang iyong mga sinabi no'ng ako'y may problema?
Sabi mo, "Lahat ng problema'y kayang lampasan
Basta't tayo'y nagsasama at nag-iinuman"

Hoy, hoy, Buloy, naalala mo pa ba
No'ng ako ay na-kick out kasi daw ako'y tanga? (Tanga)
Hoy, hoy, Buloy, naalala mo pa ba
No'ng ako ay napalayas ng aking ama't ina?
Mangiyak-ngiyak na 'ko pero sabi mo ay "Okay lang 'yan
Basta't tayo'y nagsasama at nag-iinuman"

Kaya naman ako bilib sa iyo
Kasi parang napakatibay mo
Lahat ng iharang ay kaya mong daanan
Basta't mayro'ng bentang alak d'yan sa may tindahan

Hoy, hoy, Buloy, naalala mo pa ba
No'ng araw na nadedo ang aso mong si Morlock?
Hoy, hoy, Buloy, naalala mo pa ba
No'ng ika'y tumawag sa 'min at ika'y umiiyak?

Tapos, pagkatapos no'n, kay tagal mong nawala
Nagulat na lang ako no'ng narinig ko ang balita
Akala ko pa naman na marunong kang magdala
Nalaman ko na lang na ika'y nagpakamatay na

Hoy, Buloy, nasaan ka man
Siguradong kawawa ka, malamang walang alak d'yan
Hoy, Buloy, nasaan ka man
Siguradong hindi ka namin malilimutan

Hoy, Buloy, Buloy, Buloy
Hoy, hoy, hoy, Buloy, Buloy, Buloy

Hoy, hoy, Buloy, para bang nalimot mo na
Ang iyong mga sinabi no'ng ikaw ay buhay pa



Credits
Writer(s): Chito Miranda
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link