Pangako

Bakit ba may lungkot sa'yong mga mata
Ako kaya'y 'di nais makapiling, sinta
'Di mo ba pansin, ako sayo'y may pagtingin
Sana ang tinig ko'y iyong dinggin

Ako ngayo'y hindi mapalagay
Pagkat ang puso ko'y nalulumbay
Sana ay pakaingatan mo ito
At tandaan mo ang isang pangako

Pangako, hindi kita iiwan
Pangako, 'di ko pababayaan
Pangako, hindi ka na mag-iisa
Pangakong magmula ngayo'y tayong dalawa
Ang magkasama

Ano itong nadarama ko
Ako kaya'y nahuhulog umiibig na sa'yo
Sa t'wing kasama ka'y anong ligaya
Sana sa akin ay magtiwala

Kung tunay na ang nadarama mo
Mayro'n akong nais malaman mo
Ang aking puso ay iyong-iyo (iyong-iyo)
At huwag sanang lumimot sa pangako

Pangako, hindi kita iiwan (Pangako)
Pangako, 'di ko pababayaan (pababayaan)
Pangako, hindi ka na mag-iisa
Pangakong magmula ngayo'y tayong dal'wa

Pangako, hindi kita iiwan
(Hindi kita iiwan) Pangako
Pangako, hindi ka na mag-iisa (Pangako)
Pangakong magmula ngayo'y
Tayong dalawa
Ang magkasama

Pangako



Credits
Writer(s): Manilyn Reynes, Herminio Alcasid Jr
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link