Iingatan Ka

Sa buhay kong ito
Tanging pangarap lang
Ang iyong pagmamahal
Ay makamtam

Kahit na sandali
Kita ay mamasdan
Ligaya'y tila bang
Walang hanggan

Sana'y 'di na magising
Kung nangangarap man din
Kung ang buhay na makulay
Ang tatahakin
Minsan ay madarapa
Minsan din ay luluha
'Di ka na maninimdim
'Pagkat sa buhay mo
Ay may nagmamahal pa rin

Iingatan ka
Ipaglalaban ka
Sa puso mo ako ay tiwala
Sa 'ting mundo
May gagabay sa iyo
Ang alay ko'y itong pagmamahal ko
May nagmamahal, aakay sa iyo
Iyong katapatan ang laging kakapitan ko
Buhay na kay ganda
Pangarap ko na makamtan ko na

Sana'y 'di na magising
Kung nangangarap man din
Kung ang buhay na makulay
Ang tatahakin
Minsan ay madarapa
Minsan din ay luluha
'Di ka na maninimdim
'Pagkat sa buhay mo
Ay may nagmamahal pa rin

Iingatan ka
Ipaglalaban ka
Sa dunong mo ako ay tiwala
Sa 'ting mundo'y
May gagabay sa iyo
Ang alay ko'y itong pagmamahal ko
May nagmamahal, aakay sa iyo
Iyong katapatan ang laging kakapitan ko
Buhay na kay ganda
Pangarap ko na makamtan ko na

Pangarap ko na makamtan ko na



Credits
Writer(s): Marizen Yaneza-soriano
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link