Kung Di Man

Kung hindi ako ang iyong pipiliin
Aanhin ko pa ang hangin?
Sa aking palagay, ako lang ang may taglay
Ng pagsintang nararapat

Lamang sa 'yo, aking mundo
Pakinggan mo, pintig ng puso ko
Pangalan mo, sinasambit
Biglang lukso t'wing 'ka'y lalapit
'Di alam ang gagawin, hmm

Kung hindi ang 'yong sagot sa pagsuyo kong wagas
Aanhin ko pa ang bukas?
Sa aking palagay, tayo'y nagsasayang
Ng araw at gabing sa atin dapat

Buksan mo pa ang aking dibdib
Basahin mo aking iniisip
Suriin mo mga lamat ko
Walang-wala akong ikukubli
Ano pa ang gagawin kung 'di man lang tayo? Ooh-oh

Buksan mo pa ang aking dibdib
Basahin mo ang talambuhay ko
Timbangin mo aking damdamin
Habambuhay ko itong papasanin
Wala akong magagawa, ako'y para sa 'yo, ooh-ooh

Kung 'di tayo, ano pa'ng silbi ng puso kong ito?
Kung 'di tayo, ano pa'ng halaga ko sa mundo?
Kung 'di tayo, oh, bakit pa ba tayo nagtagpo?
Hmm-mmm-mmm, hmm-mmm-mmm



Credits
Writer(s): Johnoy Danao
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link