Binago Mo

Mula nang makilala ka, ang buhay ko'y nagbago na
Dati ay laging nalulungkot at laging nag-iisa
Inisip kong sumuko na, tila wala nang pag-asa
Ngunit tunay na hindi pala 'pagkat narito ka

Binago mo ang ikot ng mundo, muling binuhay mo ang puso ko
Ngayo'y naging makulay ang lahat 'pagkat ika'y kapiling ko
Wala na ngang mahihiling sa 'yo, lahat na yata ay inalay mo
Umasa kang wala nang iibigin pa ako, kundi ang katulad mo

Nadaramang pag-ibig, sa akin ay langit (sa akin ay langit)
Hindi kita 'pagpapalit (hindi kita 'pagpapalit)
Sa 'yo'y ipapangako, hindi magbabago
Ganyan ang alay na pag-ibig ko sa 'yo, oh

Binago mo ang ikot ng mundo, muling binuhay mo ang puso ko
Ngayo'y naging makulay ang lahat 'pagkat ika'y kapiling ko
Wala na ngang mahihiling sa 'yo, lahat na yata ay inalay mo
Umasa kang wala nang iibigin pa ako, kundi ang katulad mo (binago mo)

Umasa kang wala nang iibigin pa ako, kundi ang katulad mo

Credits
Writer(s): Vehnee Saturno
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link