Makapiling Ka

Pagdilat
Ikaw agad ang hinahanap sa umaga
Nasaan ka na? Malayo ka pa ba?
Kay tagal ng iyong pagbabalik

Minsan
Nahuhuli ko ang sariling nakangiti
Malayo ang tingin, malalim ang isip
Kailangang magkita muli

Sa pagpatak ng bawat sandali (bawat sandali)
Nakatikom lagi ang aking mga labi (ang aking mga labi)
Inaaliw ang sarili sa musika (sarili sa musika)
Nananabik makapiling ka, makapiling ka

Pagdungaw
Mayro'n kayang mabuting balitang darating?
Hinahanda ang pagngiti
Kasabay ng pagsambit sa ngalan mo pagdating ng sandali

Sa pagpatak ng bawat sandali (bawat sandali)
Nakatikom lagi ang aking mga labi (ang aking mga labi)
Inaaliw ang sarili sa musika (sarili sa musika)
Nananabik makapiling ka, makapiling ka

Lalong lumalapit
Araw ng pagsapit
Di magkukulang
Laging nag-aabang

Sa pagpatak ng bawat sandali (bawat sandali)
Nakatikom lagi ang aking mga labi (aking mga labi)
Inaaliw ang sarili sa musika (sarili sa musika)
Nananabik makapiling ka, makapiling ka

Sa pagpatak ng bawat sandali (makapiling ka)
Nakatikom lagi ang aking mga labi (makapiling ka)
Sa pagpatak ng bawat sandali (makapiling ka)
Nakatikom lagi ang aking mga labi

Pagdilat
Ikaw agad ang hinahanap sa umaga...



Credits
Writer(s): Gosh Dilay, Yael Yuzon
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link