Blue Jeans

Nandirito kami ngayon
Nagsusumikap sa araw-araw
Kayod nang kayod, hanggang sa mapagod
Maagapan ang natatanaw

Paminsan-minsan ay naglalaro
Pag-ibig lang ang 'di ginagawang biro
Kung sa tuksuhan lang, hindi pahuhuli
Kinabukasan ay tinatabi

Paminsan-minsan ay nabibigo
Sakit sa puso ay hindi maitago
Ngunit, tuloy pa rin, hindi pinapansin
Ang kabuhayan ay intindihin

(Blue jeans) Alam mo ba ano ang ibig sabihin
Ng ating pagsisikap sa 'skwela?
(Blue jeans) Ba't 'di na lang iwanan ang pag-aaral
At sama-sama tayong magsaya?

Ngunit, ang kabataan daw ay kayamanan
'Wag daw basta't itapon at papabayaan
Kaya magsikap tayo habang may panahon at
Mag-aral at mag-ipon tayo ng karunungan

(Blue jeans) Sige, sige, sige kayod sa 'skwela
At balang araw makikita niyo
(Blue jeans) Pagkatapos ng iyong paghihirap
'Di ka rin makakahanap ng trabaho

Sino ba silang nagmamarunong sa buhay?
Huwag sana silang makialam sa 'king buhay
Anong kinabukasan pagkatapos sa 'skwela?
Huwag nang isipin at baka mangamba ka pa

Kay tagal-tagal ko nang nag-aaral
Tignan mo, kupas na'ng aking maong (hoo)
Kung akala mo, ako ay natuto na
Hindi pa rin

Oh, kay tagal-tagal ko nang nag-aaral
Tignan mo, kupas na'ng aking maong (hoo)
Kung akala mo, ako ay natuto na
Hindi pa rin ('di pa rin, 'di pa rin, 'di pa rin)

(Blue jeans) Sige, sige, sige kayod sa 'skwela
At balang araw makikita niyo
(Blue jeans) Pagkatapos ng iyong paghihirap
'Di ka rin makakahanap ng trabaho

Sino ba silang nagmamarunong sa buhay?
Huwag sana silang makialam sa 'king buhay
Anong kinabukasan pagkatapos sa 'skwela?
Huwag nang isipin at baka mangamba ka pa

Blue jeans
Blue jeans
Blue jeans
Blue jeans
Blue jeans

Blue jeans, blue jeans
Blue jeans, blue jeans
Blue jeans, blue jeans
Blue jeans, blue jeans

Blue jeans, ah-ah, ah-ah-ah
Blue jeans, ah-ah, ah-ah-ah
Blue jeans, ah-ah, ah-ah-ah
Blue jeans, ah-ah, ah-ah-ah



Credits
Writer(s): Jaime Paredes, Danny Javier
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link