Saan Na Nga Ba'ng Barkada

Nagsimula ang lahat sa eskuwela
Nagsama-sama'ng 12
Sa kalokohan at sa tuksuhan
Hindi maawat sa isa't isa

Madalas ang istambay sa cafeteria
Isang barkada na kay saya
Laging may hawak-hawak na gitara
Kaunting udyok lamang, kakanta na

Kay simple lamang ng buhay no'n
Walang mabibigat na suliranin
Problema lamang, laging kulang ang datung
Sa'n na napunta ang panahon?

Sa'n na nga ba? Sa'n na nga ba?
Sa'n na napunta ang panahon?
Sa'n na nga ba? Sa'n na nga ba?
Sa'n na napunta ang panahon?

Sa unang ligaw, kayo'y magkasama
Magkasabwat sa pambobola
Walang sikreto kayong tinatago
Oh, kay sarap ng samahang barkada

Nagkawatakan na sa kolehiyo
Kanya-kanya na ang lakaran
Kahit minsanan na lang kung magkita
Pagkakaibiga'y hindi nawala

At kung saan na napadpad ang ilan
Sa dating eskuwela, mayro'n ding naiwan
Mayro'n pa ngang mga ilang nawala na lang
Nakaka-miss ang dating samahan

Sa'n na nga ba? Sa'n na nga ba?
Sa'n na nga ba'ng barkada ngayon?
Sa'n na nga ba? Sa'n na nga ba?
Sa'n na nga ba'ng barkada ngayon?

Ilang taon din ang nakalipas
Bawat isa sa amin, tatay na
Nagsusumikap upang yumaman
At guminhawa'ng kinabukasan

Paminsan-minsan, kami'y nagkikita
Mga naiwan at natira
At gaya no'ng araw namin sa eskuwela
'Pag magkasama ay nagwawala

Napakahirap malimutan
Ang saya ng aming samahan
Kahit lumipas na ang iilang taon
Magkabarkada pa rin ngayon

Magkaibigan, magkaibigan
Magkaibigan pa rin ngayon
Magkaibigan, magkaibigan
Magkabarkada pa rin ngayon

Magkaibigan, magkaibigan
Magkaibigan pa rin ngayon
Magkaibigan, magkaibigan
Magkabarkada pa rin ngayon

Magkaibigan, magkaibigan
Magkaibigan pa rin ngayon
Magkaibigan, magkaibigan



Credits
Writer(s): Jim Paredes
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link