Kung Walang Ikaw, Walang Ako

Tahimik ang paligid ko kapag ika'y katabi ko
Kahit anong lamig na nararamdaman
Umiinit pag ika'y nandyan
Laman ng isipan ko laging ikaw ang kapiling ko

Wala ng lungkot dito pag kasama ka
Pagibig mo, tanging dahilan kung
Bakit makulay ang aking buhay
Pagmamahal mo, siyang dahilan puno

Ng ligaya ang aking mundo
Pagunawa mo, aking dahilan patuloy akong lumulutang
Ikaw lamang naging dahilan ng buhay ko
Kung walang ikaw, wala ring ako

Pagmasdan mo aking ngiti
alam mo ba ikaw ang sanhi
Mula noon, hanggang ngayon
ikaw lamang lahat ng panahon

Laman ng damdamin ko, isinisigaw sa buong mundo
Pagsuyong walang hanggan, walang katapusan
Pagibig mo, tanging dahilan kung
Bakit makulay ang aking buhay

Pagmamahal mo, siyang dahilan puno
Ng ligaya ang aking mundo
Pagunawa mo, aking dahilan patuloy akong lumulutang
Ikaw lamang naging dahilan ng buhay ko
Kung walang ikaw, wala ring ako

Pagibig mo, tanging dahilan
Pinangako ko sa Maykapal na
Ikaw at ako magpakailanman
At kung walang ikaw, wala rin ako



Credits
Writer(s): Elmer Blancaflor
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link