Paraan

Nasira ang lahat ng plano ko
Hindi ko alam kung pa'no babangon
Mula sa kalsada, mula sa tulay ng hagupit

Ilang taon na 'kong ganito
Nasanay lang talaga mag-isa
Naroon ka sa malayong lugar na hindi ko alam

Pasens'ya na, mahirap lang talaga maging gan'to
Umaasa sa wala at ako'y nalilito
Pag-ibig ba'y totoo, minsan parang gago lang
Sa 'yo lang, sa 'yo lang

Sana malaman ng araw at ng buwan
Gagawan ko lagi ng paraan, gagawan ko lagi ng paraan

Ayoko man isipin ang wakas
Hindi ko rin naman kasi alam
Kung sa'n nagsimula ang lahat ng ito, ewan ko ba

Pasens'ya na kung medyo papansin na naman ako
Wala talagang diskarte ang taong tulad ko
Bakit ba mahirap intindihin ang mundo?
Sa 'yo lang, sa 'yo lang

Sana malaman ng araw at ng buwan
Gagawan ko lagi ng paraan, gagawan ko lagi ng paraan
Sana malaman ng araw at ng buwan
Gagawan ko lagi ng paraan, gagawan ko lagi ng paraan

Minsan lang matakot sa isang katulad mo
Hindi ko kasi alam ang diskarte sa taong bato
Bad trip lang talaga, bakit ba 'ko ganito?
Sa 'yo lang, sa 'yo lang

Sana malaman ng araw at ng buwan
Gagawan ko lagi ng paraan, gagawan ko lagi ng paraan
Sana malaman ng araw at ng buwan
Gagawan ko lagi ng paraan, gagawan ko lagi ng paraan



Credits
Writer(s): Florimon Macalino
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link