Magdalena

Tingin sa 'yo'y isang putik, larawan mo'y nilalait
Magdalena, ikaw ay 'di maintindihan
Ika'y isang kapos-palad, bigo ka pa sa pag-ibig
Hindi ka nag-aral 'pagkat walang pera
Kaya ika'y namasukan, do'n sa Mabini napadpad
Mula noon, binansagang "kalapating mababa ang lipad"

Hindi mo man ito nais, ika'y walang magagawa
'Pagkat kailangan mong mabuhay sa mundo
Tinitiis mo ang lahat, kay hirap ng kalagayan
Ang pangarap mo'y maahon sa hirap
Kaya ika'y namasukan, do'n sa Mabini napadpad
Mula noon, binansagang "kalapating mababa ang lipad"

Magdalena, ikaw ay sawimpalad
Kailan ka nila maiintindihan?
Magdalena, ikaw ay sawimpalad
Kailan ka nila maiintindihan?

Magdalena
Magdalena

Ibig mo nang magbago at mamuhay na nang tahimik
Ngunit ang mundo'y sadyang napakalupit
Hanggang kailan maghihintay? Hanggang kailan magtitiis?
Ang dalangin mo, kailan maririnig?

Magdalena, ikaw ay sawimpalad
Kailan ka nila maiintindihan?
Magdalena, ikaw ay sawimpalad
Kailan ka nila maiintindihan?

Magdalena
Magdalena



Credits
Writer(s): Freddie Aguilar
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link