Basta't Nandito Ka

Mali man ang ibigin ka
Ay di ako maaawat kasi mahal kita
Alam ko rin na mayroong iba
Na nandiyan sa puso mo
Mahal na mahal mo siya

Paulit-ulit mang sisihin ang sarili ko
Pintig ng puso ko
Ay di pa rin magbabago

Basta't nandito ka
Sa aki'y sapat na
Hindi ako magtatanong kung
Mas mahal mo sya

Basta't nandito ka
Sa aki'y tama na
Ang minsan kang kapiling ay langit
Pagkat mahal kita

Sabihin mang hindi tama
Na magmahal sa tulad mo
Na di na malaya

Tatanggapin ang mga kutya
Na lagi kong naririnig
Bakit di raw madala?

Paulit-ulit mang sisihin ang sarili ko
Pintig ng puso ko
Ay di pa rin magbabago

Basta't nandito ka
Sa aki'y sapat na
Hindi ako magtatanong kung
Mas mahal mo sya

Basta't nandito ka
Sa aki'y tama na
Ang minsan kang kapiling ay langit
Pagkat mahal kita

Basta't nandito ka
Sa aki'y sapat na
Hindi ako magtatanong kung
Mas mahal mo sya
Basta't nandito ka
Sa aki'y tama na
Ang minsan kang kapiling ay langit
Pagkat mahal kita
Ang minsan kang kapiling ay langit
Pagkat mahal kita

Basta't nandito ka



Credits
Writer(s): Vehnee Saturno, Annabelle Regalado-borja, Leandro Dannug
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link