Ikaw Lamang

'Di ko maintindihan ang nilalaman ng puso
Tuwing magkahawak ang ating kamay
Pinapanalangin lagi tayong magkasama
Hinihiling bawat oras kapiling ka

Sa lahat ng aking ginagawa
Ikaw lamang ang nasa isip ko, sinta
Sana'y 'di na tayo magkahiwalay
Kahit kailan pa man

Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Makapiling ka habang-buhay, ikaw lamang, sinta
Wala na 'kong hihingin pa, wala na
Ooh, ooh-ooh-ooh

Ayoko nang maulit pa ang nakaraang ayokong maalala
Bawat oras na wala ka, parang mabigat na parusa
'Wag mong kakalimutan na kahit nag-iba
Hindi ako tumigil magmahal sa 'yo, sinta

Sa lahat ng aking ginagawa
Ikaw lamang ang nasa isip ko, sinta
Sana'y 'di na tayo magkahiwalay
Kahit kailan pa man

Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Makapiling ka habang-buhay, ikaw lamang, sinta
Wala na 'kong hihingin pa, wala na
Ooh, ooh-ooh-ooh

Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Makapiling ka habang-buhay, ikaw lamang, sinta
Wala na 'kong hihingin pa, wala na
Ooh, ooh-ooh-ooh



Credits
Writer(s): J. Ramirez
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link