Para Sayo

Lumayo ka na sa akin, 'wag mo 'kong kausapin
Parang awa mo na, 'wag kang magpapaakit sa 'kin
Ayoko lang masaktan ka, malakas ako mambola
Hindi ako santo

Pero para sa 'yo, ako'y magbabago
Kahit mahirap, kakayanin ko
Dahil para sa 'yo, handa 'kong magpakatino
Laging isipin, lahat ay gagawin
Basta para sa 'yo

Hindi ikaw 'yung tipong niloloko
At hindi naman ako 'yung tipong nagseseryoso
At kahit sulit sana sa 'yo ang kasalanan
Lolokohin lang kita kaya't kung pwede, 'wag na lang

Dahil ayoko ngang masaktan ka, 'wag kang maniniwala
Hindi ako santo

Pero para sa 'yo, ako'y magbabago
Kahit mahirap, kakayanin ko
Dahil para sa 'yo, handa 'kong magpakatino
Laging isipin, lahat ay gagawin
Basta para sa 'yo

Bakit nakikinig ka pa? Matatapos na ang kanta
Pinapatakas na kita mula no'ng unang stanza
Hindi ka ba natatakot? Baka ikaw ay masangkot
Sa mga kasalanan ko

Pero para sa 'yo, ako'y magbabago
Kahit mahirap, kakayanin ko
Dahil para sa 'yo, handa 'kong magpakatino
Laging isipin, lahat ay gagawin

Basta para sa 'yo, ako'y magbabago
Kahit mahirap, kakayanin ko
Dahil para sa 'yo, handa 'kong magpakatino
Laging isipin, lahat ay gagawin
Basta para sa 'yo



Credits
Writer(s): Chito Miranda
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link