Yakapin Mo Ako

Minsan pa, yakapin mo ako
Nang mahigpit, 'tong huling sandali
Kailanman, ang nasa isip ko'y
Ang labi mo'y mahalikan muli

Ngayon, unawain, puso ko'y umaamin
Na ika'y hahanapin, irog ko
Kailangan sabihin, masakit sa damdamin
Mawala ka sa buhay ko

Minsan pa, yakapin mo ako
Masdan ang puso kong lumuluha
Tandaan, mapalayo ka man
Kahit saan, mamahalin kita

Minsan pa, yakapin mo ako
Nang mahigpit, 'tong huling sandali

Ngayon, unawain, puso ko'y umaamin
Na ika'y hahanapin, irog ko
Kailangan sabihin, masakit sa damdamin
Mawala ka sa buhay ko

Minsan pa, yakapin mo ako
Masdan ang puso kong lumuluha
Tandaan, mapalayo ka man
Kahit saan, mamahalin kita



Credits
Writer(s): Jose Luis Ocampo, Freddie Santos
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link