Halaga

Umiiyak ka na naman
'Lang-hiya talaga, wala ka bang ibang alam?
Namumugtong mga mata
Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa?
Sa problema na iyong pinapasan (pinapasan)
Hatid sa 'yo ng boyfriend mong hindi mo maintindihan

May kuwento kang pang-drama na naman
Parang pang-TV na walang katapusan
Hanggang kailan ka ba ganyan?
Hindi mo ba alam na walang pupuntahan
Ang pagtiyaga mo d'yan sa boyfriend mong tanga (tanga)
Na wala nang ginawa kundi ang paluhain ka?

Sa libo-libong pagkakataon na tayo'y nagkasama
Iilang ulit pa lang kitang nakitang masaya
Naiinis akong isipin na ginaganyan ka n'ya
Siguro ay hindi n'ya lang alam ang 'yong tunay na halaga

Hindi na dapat pag-usapan pa
Napapagod na rin ako sa aking kakasalita
Hindi ka rin naman nakikinig
Kahit sobrang pagod na ang aking bibig
Sa mga payo kong 'di mo pinapansin (pinapansin)
Akala mo'y nakikinig, 'di rin naman tatanggapin

Ayoko nang isipin pa
'Di ko alam, ba't 'di mo makayanan na iwanan s'ya?
Ang dami-dami naman d'yang iba
'Wag kang mangangambang baka wala ka nang ibang makita
Na lalaki na magmamahal sa 'yo (magmamahal sa 'yo)
At hinding-hindi n'ya sasayangin ang pag-ibig mo

Sa libo-libong pagkakataon na tayo'y nagkasama
Iilang ulit pa lang kitang nakitang masaya
Naiinis akong isipin na ginaganyan ka n'ya
Siguro ay hindi n'ya lang alam ang 'yong tunay na halaga

Minsan, hindi ko maintindihan
Parang ang buhay natin ay napagti-trip-an
Medyo malabo yata ang mundo
Binabasura ng iba ang s'yang pinapangarap ko

Sa libo-libong pagkakataon na tayo'y nagkasama
Iilang ulit pa lang kitang nakitang masaya
Naiinis akong isipin na ginaganyan ka n'ya
Siguro ay hindi n'ya lang alam ang 'yong tunay na halaga



Credits
Writer(s): Chito Miranda
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link