Nilamon Ng Sistema

Ang awit na ito'y inaalay ko sa mga biktima ng ating lipunan
Mga nilamon ng sistema, ating pakinggan

Mayro'n akong kakilala, ang pangalan ay Pamela
Naghahanap ng trabaho, lumuwas s'ya ng Maynila
Ako'y nag-alala sapagkat hindi n'ya nalalaman
Na ang buhay sa Maynila ay hindi basta-basta lang

Mga buwitre ang nagliliparan
Lumilipad sa may siyudad, nag-aantay na lamang
Bubot at inosente, batang-bata, wala pang 20
14 anyos lang at marami nang kliyente
Niloko s'ya ng recruiter, hinamak at winasak
Ang kanyang kinabukasan ay tuluyan nang nawarak

NIlamon, yeah
Nilamon, whoa
Ng sistema, yeah
Ng sistema, whoa

Eto naman ang 'storya ng isang batang galing sa broken home
Batang-bata pa, kawawa naman, it goes like this

Ito naman ang istorya ng 'sang batang gumagala
Sampung taong gulang pa lang at kahina-hinala
Ang kilos ng musmos dahil lasing na naman si Itay
At s'ya'y pinagbuhatan ng kamay

Si Inay, nagsusugal doon sa Mahjong-an
Napakasakit kapag walang humahagkan
Lumayas sa kanila at nag-alsabalutan
Tumambay kasama ng mga istambay sa lansangan
D'yan sa kanto, sumasama kahit kanino
Isipin ninyo kung sino ang may sala dito

NIlamon, yeah
Nilamon, whoa
Ng sistema, yeah
Ng sistema, whoa

Eto naman ay tungkol sa mga kababaihan nating nagpapakahirap
Kung tawagin natin ay Japayuki, para sa kanila 'to

Ang ating kababaihan ay nagsisiliparan
Patungo sa ibang bansa, saan? Sa Japan
Matulungan lamang maiahon sa kahirapan
Ang pamilyang umaasa sa kanila lamang

Ilan sa kanila ang umuwing luhaan
Inabuso, minaltrato at saka sinaktan
Tigilan na ang ganitong paraan
Ng pamumuhay ng ating kababaihan
Masisisi ba sila o dapat kaawaan?
Kasalanan ba nila o kasalanan ng bayan?

NIlamon, yeah
Nilamon, whoa
Ng sistema, yeah
Ng sistema, whoa

Ng sistema
Ng sistema, yeah
Ng sistema
Ng sistema, whoa
Nilamon



Credits
Writer(s): Francis M. Magalona
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link