Hanggang Ngayo'y Ikaw

Pilitin man ang puso na kalimutan ka
Di magawa bakit ikaw parin
Ang hanap ko sa t'wina
At sa aking pag iisa'y hanap kita
Ang mga nagdaa'y sadyang naaalala

Laging naro'n parin
Sa puso at isipan
Mga nagdaan na kay tamis
Punong puno ng pagmamahalan

Hanggang Ngayo'y ikaw
Ang siyang laman ng puso ko
Hindi maibaling sa iba pag ibig ko sa'yo
Hanggang ngayo'y ikaw
Ang siyang lahat sa buhay ko
Paghihinayang ang nadarama
Mula ng iwan mo

Umaasa parin ika'y magbabalik
At lulunasan mo itong aking pananabik
Patuloy na maghihinta'y parin sa'yo
Dahil ikaw parin ang siyang pag ibig ko

Laging naro'n parin
Sa puso at isipan
Mga nagdaan na kay tamis
Punong puno ng pagmamahalan

Hanggang Ngayo'y ikaw
Ang siyang laman ng puso ko
Hindi maibaling sa iba pag ibig ko sa'yo
Hanggang ngayo'y ikaw
Ang siyang lahat sa buhay ko
Paghihinayang ang nadarama
Mula ng iwan mo



Credits
Writer(s): Vehnee Saturno
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link