Ang Iibigin Ay Ikaw

Bakit ba kailangan kang mawalay?
Nasayang ang pag-ibig na inalay
'Di ko ginusto ang malayo sa 'yo
Subalit ikaw ay dagling nagbago

Kay hirap ng mabuhay na wala ka
Kailan muli ang puso'y liligaya?
May pag-asa bang naghihintay?
Ang ating nakalipas ay muling bigyang saysay

Bawat tibok ng puso kong nagmamahal
Pag-ibig mo ang siyang hiling sa Maykapal
At magpakailanman ang iibigin ay ikaw

Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link