Walang Hanggang Paalam

'Di ba tayo'y narito
Upang maging malaya
At upang palayain ang iba

Ako'y walang hinihiling
Ika'y tila gayun din
Sadyang biglang laya
Ang isa't isa

Ang pag-ibig natin ay
Walang hanggang paalam
At habang magkalayo
Papalapit pa 'rin ang puso
Kahit na magkahiwalay
Tayo'y magkasama
Sa magkabilang dulo ng mundo

Ang bawat simula ay
Siya ring katapusan
May patutunguhan ba
Ang ating pagsinta?
Sa biglang tingin
Kita'y walang kinabukasan
Subalit 'di malupig ang pag-asa

Ang pag-ibig natin ay
Walang hanggang paalam
At habang magkalayo
Papalapit pa 'rin ang puso
Kahit na magkahiwalay
Tayo'y magkasama
Sa magkabilang dulo ng mundo

Ang pag-ibig natin ay
Walang hanggang paalam
At habang magkalayo
Papalapit pa 'rin ang puso
Kahit na magkahiwalay
Tayo'y magkasama
Sa magkabilang dulo ng mundo
Sa magkabilang dulo ng mundo



Credits
Writer(s): Jose Ayala
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link