Ikaw Nga (Theme from "Mulawin")

Heto na naman
Nag-iisip, minsa'y nagtataka
Nasa 'kin na'ng lahat, bakit nangungulila? Oh

At nang makita ka
Ibang sigla aking nadarama
Pag-ibig nga ba ito? Ako'y nangangamba, oh, oh, oh, oh

Nais kong ipagtapat sa 'yo
Sana'y dinggin mo ang lihim ng pusong ito
Kahit na tayo'y magkaibang mundo, oh, whoa, whoa, whoa

Ikaw nga ang s'yang hanap-hanap
Kay tagal na ako ay nangarap
Lumuluhod, nakikiusap
Ako ay mahalin mo, sinta

Ikaw nga ang s'yang magbabago
Sa akin, sa aking buhay
Handang iwanan ang lahat
Upang makapiling ka, sinta, oh, oh-whoa, whoa-oh

Nang makilala ka
Ibang saya aking nadarama
Alam kong pag-ibig ito, anong ligaya, oh, oh

Nais kong ipagtapat sa 'yo
Sana'y pagbigyan, dinggin ang puso kong ito
Kahit na tayo'y magkaibang mundo, oh-whoa, whoa-whoa

Ikaw nga ang s'yang hanap-hanap
Kay tagal na ako ay nangarap
Lumuluhod, nakikiusap
Ako ay mahalin mo, sinta

Ikaw nga (ikaw nga) ang s'yang magbabago
Sa akin, sa aking buhay (aking buhay)
Handang iwanan ang lahat
Para lang sa 'yo, sinta
Upang makapiling ka, sinta



Credits
Writer(s): Jay Oliver Durias, Sharon S Inductivo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link