Patunayan

Papatunayan ko na ako lang sa 'yo
Hinubog mo'ng buhay ko ng pag-ibig mo

'Di na masusukat
Sandigan kong taglay
Magalit man ang langit
'Di matitinag ang kulay

Diwa ko'y namulat
Matapos ang gulo
Saan man dalhin ng langit
Papadpad pa rin sa 'yo

Makinig kang mabuti
Buksan nang mapakinggan ng puso mo
Ang dapat mong malaman

Papatunayan ko na ako lang sa 'yo
Hinubog mo'ng buhay ko ng pag-ibig mo
Mamahalin kita, sa puso ko'y nand'yan ka
Maiintindihan mo rin ako

Pinanggalingan ma'y magkaiba
Tadhana natin ay iisa
Ito ang sarili nating yugto
Bakit pa ako lalayo?

Makinig kang mabuti
Pangakong walang ibang mas mahalaga
'Yan ang dapat na paniwalaan
Paniwalaan

Papatunayan ko na ako lang sa 'yo
Hinubog mo'ng buhay ko ng pag-ibig mo
Mamahalin kita, sa puso ko'y nand'yan ka
Maiintindihan mo rin ako

Papatunayan ko na ako lang sa 'yo
Hinubog mo'ng buhay ko ng pag-ibig mo
Mamahalin kita, sa puso ko'y nand'yan ka
Maiintindihan mo rin ako

Kay tagal din kitang hinanap
Halos ikamatay
Nakaukit ka sa aking palad
Mawalay ka, mawalay ka
'Di ako papayag



Credits
Writer(s): Silent Sanctuary
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link