Dekada 90

Kung wala na akong mapuntahan
Pwede ba kitang mapasyalan?
Kung mapagod na ako sa kakaisip
Sasamahan mo ba akong managinip?

Huwag ka munang umuwi
Hangga't 'di pa ako ngumingiti

Kakapagod din pala ang mamroblema
Kalayaan ko ay 'di na makita
Nais kong tumakas at ayokong masundan
Makinig ka muna kahit 'di maiintindihan

Kuwentuhan muna tayo
Ano'ng balita sa Cembo

Huwag ka munang umuwi
Hangga't 'di pa ako ngumingiti

Ibabalik natin ang kahapon, mabubuhay sa noon
Nakaraan laging masaya, pakikinggan si Ely Buendia
Kahit ako'y mapuyat pa, tatagayan lang kita
Minsan lang kitang makasamang salubungin ang umaga

Panahon ng nangongopya sa eskuwela
Ligawan sa gitna kalsada
Panahon ng mga tunay na banda
Ninanakaw lang ng mga pirata
Panahon ng bulag na sistema
Malayang nagra-rally ang masa
Babalik sa dekada 90 (90, 90)

Babalik sa dekada 90 (90, 90)
Babalik sa dekada 90 (90, 90)
Babalik sa dekada 90 (90, 90)
Babalik sa dekada 90



Credits
Writer(s): Silent Sanctuary
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link