Kung Mahal Mo Ako

'Di mo dapat hanapin
Mga bagay na wala na sa akin
Kwento ng buhay ko
'Wag na nating balikan

Ang naging kapalaran
Para sa 'kin ay isang nobela na lang
Kung ano ako noon
Buong puso mo sanang tanggapin

Kung mahal, kung mahal mo ako
Tunay ba'ng damdamin mo?
Ang katulad ko'y unawiin mo
Mahalin mo

Kung mahal, kung mahal mo ako
'Di na dapat saktan pa
Ang puso ko'y alagaan mo
Mahalin mo

'Di na dapat mangamba
Magtiwala ka sa akin, sinta
Tanging hiling ko sa 'yo
Ay wagas na pagmamahal

Ayoko nang danasin pa
Ang ako'y lumuha at muling magkamali
Tama na ang minsan lang
Sa pag-ibig ay nasawi

Kung mahal, kung mahal mo ako
Tunay ba'ng damdamin mo?
Ang katulad ko'y unawiin mo
Mahalin mo

Kung mahal, kung mahal mo ako
Tunay ba'ng damdamin mo?
Ang katulad ko'y unawiin mo
Mahalin mo

Kung mahal, kung mahal mo ako
'Di na dapat saktan pa
Ang puso ko'y alagaan mo
Mahalin mo

Kung mahal, kung mahal mo ako



Credits
Writer(s): Alex Catedrilla
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link