Ano Ang Gagawin (Kapag Wala Ka Na)

Ano ang dahilan bakit nagbago ka?
Pag-ibig mo ngayon ay 'di na madama
Nalulungkot ako, nagpapaalam ka
Dahil may mahal ka nang iba

Ano ang gagawin kapag wala ka na?
Nasanay na ako na lagi nang kapiling ka
Ang buhay ko pala ay wala nang halaga
Kung iiwanan mong nag-iisa

Ano ang gagawin kapag wala ka na?
Papano'ng puso kong ayaw umibig sa iba?
Aasa lang kaya habang may hininga?
Baka sakaling magbalik ka pa

Bago ka umalis, ako'y turuan mong
Malimot kang ganap, mabuhay nang bigo
Huwag nang ipagtanong, lumabis ba ako?
Sa pagbibigay sa gusto mo

Ano ang gagawin kapag wala ka na?
Nasanay na ako na lagi nang kapiling ka
Ang buhay ko pala ay wala nang halaga
Kung iiwanan mong nag-iisa

Ano ang gagawin kapag wala ka na?
Papano'ng puso kong ayaw umibig sa iba?
Aasa lang kaya habang may hininga?
Baka sakaling magbalik ka pa

Ano ang gagawin kapag wala ka na?
Papano'ng puso kong ayaw umibig sa iba?
Aasa lang kaya habang may hininga?



Credits
Writer(s): Darrel Garcia, Carmencita Gil
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link