Akay

Akay by Rigel Lyra Micolob

Naramdaman haplos ng kasamaan
Nabahiran ngayo'y tila walang pakiramdam
At ang nais kahapon ay mabalikan
Naglalayong baliktarin ang nagdaan

Naririnig mo ba, ang sinasabi ng sarili
Ganyan ka ba sa simula o baka lang may nakatali
Sa iyong puso at isipan ang paghihiganti
Na syang akay-akay mo't ni minsa'y di naisantabi

Kailan kaya mabibitawan
Ang bayong na akay-akay mong lama'y madilim na karanasan
Kailan kaya mararamdaman
Sinag ng bagong umaga na sa iyo'y nag aabang

Di ka ba nabibigatan
Sa akay-akay mong kabiguan
Di mo ba mabibitawan
Kailan kaya, ang kapatawaran

Mahal kong anak, mangilan-ngilang taon na rin di nahanap
Di man lang alam kung buhay mo ay nawasak
Huwag sanang pakinggan ang kanilang kwento patungkol sa akin
Pagkat sa tanang buhay ko'y ikaw at ikaw ang laman ng isip at damdamin

Gulong gulo ang isipan ko noon
At di alam kung paano sisimulan ang buhay noong dumating ka
Ngunit nang ako'y nagkamuwang hinanap, hinabol, nagmakaawa
At nagpupumilit ba ika'y magisnan at mahawakan
Ngunit sa kanila'y huli na raw ang lahat, huli na raw
Patawad mahal kong anak

Naririnig mo ba, ang sinasabi ng sarili
Ganyan ka ba sa simula o baka lang may nakatali
Sa iyong puso at isipan ang paghihiganti
Na syang akay-akay mo't ni minsa'y di naisantabi

Kailan kaya mabibitawan
Ang bayong na akay-akay mong lama'y madilim na karanasan
Kailan kaya mararamdaman
Sinag ng bagong umaga na sa iyo'y nag aabang



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link