Kumusta Ka

Kumusta ka? Ikaw ay walang pinag-iba
Gan'yan ka rin nang tayo ay huling magkita
Tandang-tanda ko pa habang ako'y papalayo
Tinitingnan kita hanggang wala ka na

Kumusta ka? May ibang kislap ang 'yong mata
Halata na ang daigdig mo ngayon ay kay saya
Siguro ay nagmamahal ka na nang totoo
Siya ba'y katulad ko nu'ng tayong dalawa?

Oh, kay tagal na ako'y nag-isip at naghintay
Makita ka, mayakap at muli pang mahagkan
Ngunit ngayong nangyari na, ako ay nauutal
Walang masabi kundi, "Kumusta ka?"

Tandang-tanda ko pa habang ako'y papalayo
Tinitingnan kita hanggang wala ka na

Kumusta ka? Ano ba'ng dapat sabihin pa?
Dibdib ko'y malakas na namang kumakaba
Dapat kayang malaman mong hindi nagbabago
Hanggang ngayon, sinta, mahal pa rin kita

Oh, kay tagal na ako'y nag-isip at naghintay
Makita ka, mayakap at muli pang mahagkan
Ngunit ngayong nangyari na, ako ay nauutal
Walang masabi kundi, "Kumusta ka?"

Oh, kay tagal na ako'y nag-isip at naghintay
Makita ka, mayakap at muli pang mahagkan
Ngunit ngayong nangyari na, ako ay nauutal
Walang masabi kundi, "Kumusta ka?"

Kumusta ka? 'Di ka ba sa akin natatawa?
Walang masabi kundi, "Kumusta ka?"



Credits
Writer(s): Baby Gil, Willy Cruz
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link