Kay Tagal

Madaling sabihing bumalik sa kahapon
Kung ang tingin mo sa bukas ay katulad ng ngayon
At wala nang pag-asang magbibigay
Ng bagong bukang liwayway

'Wag mo nang tangisan, binalewalang usapan
Mayroon pa namang ibang magmamahal sa 'yo
Hindi ko lang masabing kita'y mahal
Handang magbigay ng dangal

Kay tagal ko nang hinihintay
Buhay nati'y magkaugnay, lahat sa 'yo'y iaalay
Kay tagal ko nang nagdarasal
Nagbabakasakaling ikaw ay mapasa 'kin balang araw
Kay tagal

Madaling maawa sa aping-api na kapwa
Mahirap ang umibig ng wagas
Muling buksan ang puso
Subukan mo pagmamahal ko sa 'yo

Kay tagal ko nang hinihintay
Buhay nati'y magkaugnay, lahat sa 'yo'y iaalay
Kay tagal ko nang nagdarasal
Nagbabakasakaling ikaw ay mapasa 'kin balang araw
Kay tagal, kay tagal na

Nagbabakasakaling ikaw...

Credits
Writer(s): Willy Cruz
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link