Kumukutikutitap

Kumukuti-kutitap, bumubusi-busilak
Ganiyan ang indak ng mga bombilya
Kikindat-kindat, kukurap-kurap
Pinaglalaruan ang 'yong mga mata

Kumukuti-kutitap, bumubusi-busilak
Ganiyan ang kurap ng mga bituin
Tumitibok-tibok, sumisinok-sinok
Koronahan ng palarang bituin

Iba't ibang palamuti
Ating isabit sa puno
Buhusan ng mga kulay
Tambakan ng mga regalo

Tumitibok-tibok, sumisinok-sinok
'Wag lang malundo sa sabitin
Pupulupot-lupot, paikot nang paikot
Koronahan ng palarang bituin

Dagdagan mo pa ng kendi
Ribon, eskosesa't guhitan
Habang lalong dumadami
Regalo mo'y dagdagan

Tumitibok-tibok, sumisinok-sinok
'Wag lang malundo sa sabitin
Pupulupot-lupot, paikot nang paikot
Koronahan ng palarang bituin

Dagdagan mo pa ng kendi
Ribon, eskosesa't guhitan
Habang lalong dumadami
Regalo mo'y dagdagan

Kumukuti-kutitap, bumubusi-busilak
Ganyan ang kurap ng mga bituin
Tumitibok-tibok, sumisinok-sinok
Koronahan mo pa ng palarang (kumukuti-kutitap, bumubusi-busilak) bituin

(Ding-dong, ding-dong, ding-dong, ding-dong)
(Ding-dong, ding-dong, ding-dong, ding-dong)



Credits
Writer(s): Raymundo Cipriano P Cayabyab
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link