Ferris Wheel

Mayro'n siyang 'di nalalaman sa akin
Takot man ako sa heights
Walang magagawa dahil nandito na

Magkahalong kaba at pananabik
Ang tuntungang bumuhat sa 'min
Kailanman ay 'di n'ya alam
'Di pa umaangat, loob ko'y nahulog na

Sa piling mo ay nalulula
Unti-unti ring nasasanay
Sa piling mo ay nalulula
Ngunit parang ayoko na yatang
Bumaba, bumaba
Bumaba, bumaba

Hanging kay lamig
Ay may binubulong sa 'yo (may binubulong sa 'yo)
Sigaw ng damdamin
Ay mas tahimik pa sa hatinggabi

Ang mundo ay ating minasdan
Habang oras ay bumabagal
Parang ang lahat ay huminto
Larawang dinadala nitong isip ko

Sa piling mo ay nalulula
Unti-unti ring nasasanay
Sa piling mo ay nalulula
Ngunit parang ayoko na yatang bumaba

Sa piling mo ay nalulula
Unti-unti ring nasasanay
Sa piling mo ay nalulula
Ngunit parang ayoko na yatang

Sa piling mo ay nalulula
Unti-unti ring nasasanay
Sa piling mo ay nalulula
Ngunit parang ayoko na yatang
Bumaba, bumaba
Bumaba, bumaba



Credits
Writer(s): Jed Dumawal
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link