Mabuti Pa Sila

Mabuti pa ang mga surot, laging mayro'ng may sisiksikan
Mabuti pa ang bubble gum, laging mayro'ng didikitan
Mabuti pa ang salamin, laging mayro'ng tumitingin
'Di tulad kong laging walang pumapansin

Mabuti pa ang mga lapis, sinusulatan ang papel
At mas mapalad ang kamatis, maya't maya'y napipisil
Napakasuwerte ng bayong, hawak ng aleng maganda
'Di tulad kong lagi na lang nag-iisa

Ano ba'ng wala ako na mayro'n sila?
'Di man lang magkaisa habang iba'y dala-dal'wa
Pigilan n'yo ako magpatiwakal
Mabuti pa ang galunggong, nasasabihan ng "Mahal"

At kung ang suka ay may toyo, at ang asin, may paminta
Mabuti pa ang lumang diyaryo at yakap-yakap ang isda
Mabuti pa sila, mabuti pa sila
'Di tulad kong lagi na lang nag-iisa

Mabuti pa ang simpleng tissue, laging nahahalikan
Mabuti pa ang mga bisyo, umaasang babalikan
Mabuti pa sila, mabuti pa sila
'Di tulad kong lagi na lang nag-iisa

Ano ba'ng wala ako na mayro'n sila?
'Di man lang magkaisa habang iba'y dala-dal'wa
Pigilan n'yo ako magpatiwakal
Mabuti pa ang galunggong, nasasabihan ng "Mahal"

Mabuti pa ang mga snatcher, laging may naghahabol
Ang aking luma na computer, mayro'n pa ring compatible
Mabuti pa sila, mabuti pa sila
'Di tulad kong lagi na lang nag-iisa

'Di tulad kong lagi-lagi na lang nag-iisa
Nag-iisa



Credits
Writer(s): Gary Granada
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link