Kalsada

Humanda kayong lahat 'pagkat ako ay aatake
'Di, hindi, ha-ha-ha-ha-ha
Hindi, wala tayong gano'n, yo
Ooh, itong kantang ito
Ay para sa mga matatapang lang sa kanta

Minsan, parang tanga ka o sadya lang talaga
Magpapaimportante kung wala kang halaga
Ika'y isang tsismosong etsoserong palaka
Pinagmamalaki mong fans, 12-anyos pababa

Wala ka pang alam sa buhay-kalye
Kaya 'wag kang umaastang alam mo na lahat bawat detalye
Sabik ka lang kaya medyo tumatapang nang konti
Ang pagiging siga, 'di lang 'yan tungkol sa pagtsotsongke

Kaya magsitahimik muna, mga kids
Panay putak kasi lalo na 'pag naka-wheels
Babuyan ba ang hinahanap niyo, mga pigs?
Pero tiklop naman 'pag may away sa mga gigs

Ha-ha, buking ang kartada
Ang rap kasi, hindi lang 'to 'yung basta trip ng barkada
'Di lang 'to basta respeto sa fliptop
Ang hiphop ay kung paano ka ba nirerespeto sa kalsada

Gumagawa 'ko ng mainam na rap
'Pag sa kalsada, baka magulpi ka lang
Gumagawa ka ng mainam na rap?
'Pag sa kalsada, wala, hanggang wordplay at multi ka lang, ha-ha

Gumagawa 'ko ng mainam na rap
'Pag sa kalsada, baka magulpi ka lang
Gumagawa ka ng mainam na rap?
Patalasan ng wordplay at multi ka lang

'Di mo alam mga pasikot-sikot na daan
Kung saan nando'n ang mga tunay na palaban
Ang alam mo lang, "Yo, yo, peace, motherfucker"
No'ng nauso lang ang rap, do'n ka lamang naki-rapper

Oh, shit, alam mo lang 'yung pabalat
Pero 'di mo kilala, mga tunay na alamat
Kung ano nasa ilalim, puno't dulo ng lahat
Kasi ang rap para sa 'yo, pera lang ang katapat

'Di ba, nakakainsulto sa 'yo?
Saka sa buong hiphop, bawat punto por punto
'Pag sinapak ka, dapat bumawi sa asunto
'Di 'yung 'pag sinapak ka, magsusumbong ka kay Tulfo

Hindi lang 'to sosyalan o 'yung pangmasa
Hindi ganyang ugali na matapang lang
'Pag nasa istudyo, entablado, do'n ka lang tarantado
Kung may problema ka sa 'kin, magkita tayo sa kalsada

Gumagawa 'ko ng mainam na rap
'Pag sa kalsada, baka magulpi ka lang
Gumagawa ka ng mainam na rap?
Patalasan ng wordplay at multi ka lang

Gumagawa 'ko ng mainam na rap
'Pag sa kalsada, baka magulpi ka lang
Gumagawa ka ng mainam na rap?
Patalasan ng wordplay at multi ka lang

Hindi lang 'to patapangan sa awit
Hindi lang 'to pagalingan manglait
Hindi lang 'to basta klase ng genre
Ang usapan dito ay kung ano ka sa kalsada

Hindi lang 'to gawaan ng music video
Hindi lang 'to 'yung matapang ka lang 'pag nasa studio
Hindi lang 'to basta klase ng genre
Ang usapan dito ay kung ano ka sa kalsada

Malinaw na ba tayo?
'Wag ka kasing magpapanggap
Oh, ayan na, tinatawag ka na ng mga fans mo
Laro na raw kayo ng Chinese garter, ha-ha-ha



Credits
Writer(s): Wendell Gatmaitan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link