Pinapangarap

Giliw ko, tanong ng puso
Ako kaya's nasa isip mo
Sa bawa't saglit?

Nais ko, sana'y malaman mo
Mga pangarap ko para
Sa 'ting dalawa.

Pinapangarap ko, ikaw lamang at ako,
Magkasuyo sa habangbuhay.
Paano matutupad kung ayaw mo rin lang magtapat, sinta?
Ako'y naghihintay.

Giliw ko, ano't nagtatagal?
Ako kaya'y may pag-asa pa
Sa puso mo?

'Di kaya ako'y 'di mo pansin?
'Di mo magawang sabihin nang
Hindi ako masasaktan.

Pinapangarap ko, ikaw lamang at ako,
Magkasuyo sa habangbuhay.
Paano matutupad kung ayaw mo namang magtapat, sinta?
Ako'y naghihintay.

Pinapangarap ko, ikaw lamang at ako,
Magkasuyo sa habangbuhay.
Paano matutupad kung ayaw mo namang magtapat?

Pinapangarap ko, ikaw lamang at ako,
Magkasuyo sa habangbuhay.
Paano matutupad kung ayaw mo namang magtapat... sinta?



Credits
Writer(s): Ever Olano
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link