Puno Sa Gubat

Noong tayo'y mga sanggol
Tayo ay magkamukha
Pagdaan ng panahon
Ay nagkaiba-iba

Nguni't huwag sanang lilimutin
Ang ating pinagmulan
Tayo ay bunga ng mundo
Anak nitong sanlibutan

Tayo ay mga puno sa gubat
Ang ugat at sanga'y magkaugnay
Nakakapit sa lupa, sa lupa
Tungong langit naman ang paglakbay

Tayo ay mga puno sa gubat
Sa unos at sigwa'y nagbabantay
Nakakapit sa lupa, sa lupa
At sa langit sabay kumakaway

Aaaaaa...

Aaaaaa...

Saan ka man mapapadpad
Saan mang lupalop manirahan
Yayakapin ka pa rin
Ni Inang Kalikasan
Kaya huwag sanang lilimutin
Sa bawa't kilos at galaw

Ang pagbibigay-galang
Sa mundong kinagisnan
II ulit, pwera huling linya
At sa langit sabay kumakaway

Tayo ay mga puno sa gubat
Ang ugat at sanga'y magkaugnay
Nakakapit sa lupa, sa lupa
Tungong langit naman ang paglakbay

Tayo ay mga puno sa gubat
Sa unos at sigwa'y nagbabantay
Nakakapit sa lupa, sa lupa
At sa langit sabay kumakaway

Aaaaaaaaa . . . . . .

Aaaaaaaaa . . . . . .



Credits
Writer(s): Jose Ayala
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link