Tunay At Huling Pag-Ibig

Simula't-sapul mahal kita nalalaman mo
Walang-wala sa loob ko na iiwanan mo
Buong akala ko'y hanggang wakas
Bakit biglang nagbago?
Balat-kayo lamang pala
Naniwala naman ako

Kung liligaya ka sa piling ng iba
At kung ang langit mo ay ang pag-ibig niya
Tututol ba ako kung kagustuhan mo?
Sapat na ang minsa'y minahal mo ako

May bakas ka bang nakikita sa aking mukha?
Masdan mo ang aking mata mayro'n bang luha?
May hinanakit ba ako sa 'yo?
Sa palagay ko'y wala
Ginusto mong magkawalay
Wala akong magagawa

Kung liligaya ka sa piling ng iba
At kung ang langit mo ay ang pag-ibig niya
Tututol ba ako kung kagustuhan mo?
Sapat na ang minsa'y minahal mo ako

Simula't-sapul mahal kita nalalaman mo
Walang-wala sa loob ko na iiwanan mo
Buong akala ko'y hanggang wakas
Bakit biglang nagbago?
Balat-kayo lamang pala
Naniwala naman ako

Kung liligaya ka sa piling ng iba
At kung ang langit mo ay ang pag-ibig niya
Tututol ba ako kung kagustuhan mo?
Sapat na ang minsa'y minahal mo ako

Kung liligaya ka sa piling ng iba
At kung ang langit mo ay ang pag-ibig niya
Tututol ba ako kung kagustuhan mo?
Sapat na ang minsa'y minahal mo ako

Kung liligaya ka sa piling ng iba
At kung ang langit mo ay ang pag-ibig niya
Tututol ba ako kung kagustuhan mo?
Sapat na ang minsa'y minahal mo ako

Kung liligaya ka sa piling ng iba
At kung ang langit mo ay ang pag-ibig niya
Tututol ba ako?



Credits
Writer(s): Boy Christopher
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link